Anong pipiliin mo, board top-notcher at cumlaude pero single forever, o average lang pero happy sa love life?
hmmm. goal-oriented kasi ako eh, at naniniwala ako na God doesn’t give everything to one man alone. kung papipiliin ako, mas gusto kong maging board top-notcher at cum laude na single forever. bakit? kasi mas mahalaga sa akin ang marating ang goal ko. minsan ka lang pwede maging cum laude at top notcher ng board, pero ang boyfriend nandyan lang yan. dadating yan kung yan ang plano ni God sayo.
ang problema kasi sa mga kabataan ngayon, masyado nilang ni-romanticize ang love, masyado nila itong pinaganda, pinakilig, pina-cute at pina-senti na tipong puro sa love na lang umiikot ang tema ng halos lahat ng bagay sa mundo. tingnan mo, pati sa mara clara, 16 years old pa lang at nasa HS pa, LOVE na kagad ang naiisip. buti sana kung love sa bansa, sa kapatid, sa pamilya kundi LOVE as in ROMANTIC LOVE.
wala namang problema kung in love ka, as long as you do not fall in love with love. gets? mahalin mo yung tao, not the idea of being in love.
pero PERSONALLY, although aaminin kong malungkot ako dahil 19 years na akong walang love-life, mas pipiliin ko pa ring maging cum laude dahil sa palagay ko, mas tangible ito kesa sa love life. at least ang medalya hindi demanding, di tulad ng boyfriend. ;)
but then again, while i’m typing this, 19 years old pa lang ako. for sure magbabago ang opinyon ko 5 years from now. ayoko munang magsalita ng patapos.
——————————————
- Posted:7 months ago